Posts

Showing posts from December, 2019

1-Day Mourning

Image
1-Day mourning 12.29.19 8:28AM When things are all out of control And seems impossible When the clouds in your eyes Starting to bewall and fall Weep all but only for a one-day mourn. Get up little darling After your darkest night Stop mourning Pretend for a while that you were okay Wipe your tears, smile and pray. Seems unbearable to walk And very difficut to talk Crawl once, stand up Smile twice There is always hope as sky remains blue as lovely as you.

Pusong panatag

Image
Tumalikod man ang lahat ng mga tao sa pagkilala sa Iyo At mahulog ang mga bituin mula sa kalangitan Sabay sa sunod-sunod na lindol at mapaminsalamg mga bagyo Ang pagpuri't pagkilala sa Iyo ay di ko tatalikuran. Ikaw ang aking moog, kalasag at dakilang kanlungan Nagbibigay sa kaluluwa ko ng pusong panatag Patnubay ko mula sa silanganan hanggang sa kanluran Maging sa timog at hilaga, sa gitna ng dalita, hirap at bagabag. Malunod man ako sa suliranin at hampasin ng sigwa ng alon ng kagipitan Magkasunod-sunod man ang dagok na matanggap ko sa buhay Hahanapin ko pa rin ang yakap Mo, Ama kong makapangyarihan Yayakap nang mahigpit at magpakailanman ay di na hihiwalay. Magbago man ng ugali, puso't isip ang mga tao sa daigdig At maging katanggap-tanggap ang immoralidad at kasamaan Ako sa Iyo ay patuloy na kikillala at iibig, Oh Diyos ng pag-ibig Ang pagpuri't pagkilala sa Iyo ay di ko tatalikuran. Siya nawa.