Mga kuwentong tindero ni Maestro Pedro presents Series # 3: Ang Buhay Estudyante
Ang Buhay Estudyante Ala-sais ng umaga, napakalakas ng ulan na sinasabayan ng malakas na ihip ng hangin, madilim pa ang paligid at sa palagay ko ay walang pag-asang lumiwanag o sumilay man lang ang Haring Araw. Binuksan ko ang telebisyon sa tindahan upang makasagap ng balita tungkol sa lagay ng panahon. “Kuya, pagbilhan nga po ng colored paper na kulay asul at pula, saka plastic envelope” sambit ng batang lalake na sa tingin ko ay nasa ikatlo o ikalawang grado pa lamang. Tsinito ang bata na nagmukhang basang-sisiw dahil sa malakas na hampas ng ulan sa kanyang payong. “O bakit sumugod ka pa sa ulan? at hindi ka man lang hinatid ng iyong magulang, mukhang ide-declare na naman na walang pasok ngayong araw” ang sabi kong naaawa sa bata. Ngumiti ang bata sabay sagot na “ Kuya, wala na po akong nanay at tatay, yung lola ko naman nakaalis na rin po kasi nagtitinda siya sa Tulay, okay lang naman po kasi malapit lang naman ako sa eskuwelahan”. “Pero pabili pa rin po nu...