Posts

Showing posts from February, 2017

Chapter 12: Ang pag-iibigan nina Blu at Eliz

Image
Chapter 12 Ang Pag-iibigan nina Blu at Eliz Ang Eris o Buwan ay isang malaking satelayt na bilog na nababalutan ng lupa sa magkabilang bahagi nito, ang gitnang parte o sa loob nito ay isang malaking istraktura na laboratoryo at planetarium. Dito humimpil sina Blu at Agarpa,   kasama ang mga piling tauhan upang manmanan ang progreso hindi lamang ng Daigdig pati na rin ang unang bahagi ng sistemang araw mula sa Talang Araw hanggang Marte at ang ikalawang bahagi naman na mula Hupiter hanggang Neptuno ay sa I’yo na satelayt ang pinakalaboratoryo at planetarium na ipinagkatiwala ng Supremo ang gawaing pagmamasid kay Reki ng Sartana. Ang paghimpil nila ay upang mamonitor na rin ang magiging pagtakas o galaw nila Senki at mga tauhan nito, ang paggawa ng mga ito ng mga portals at ang napipintong digmaang-nukleyar sa Daigdig. Makailang beses na rin silang nakaranas na may mga ibang nilalang na taga-ibang planeta at sistema ang kanilang namomonitor na papalapit sa Daigdig ngunit aga...

Ang aming palasyo

Image
Sa lilim ng mayabong na punong kawayan Sa likod ng mala-edeng halamanan Sa gilid ng puno ng manggang hitik sa bunga Napalilibutan ng mga bulaklak na kahali-halina Ay ang bahay-kubong minana kay lola Palasyo ang turing ng abang nakatira Sapagkat kaligayahan dito ay matatagpuan Kapayapaan ng isip humahalik sa kalooban Kaulayaw ang halakhak ng mga anak Naglalaro sa paligid na nakayapak Sariwa ang simoy ng hangin Galak ang humahalik sa damdamin Ang ngiti ng asawa na ubod ng tamis Ay nagbibigay ligaya nang labis-labis Sasalok mula sa banga ng tubig Ang kaning ihahain ay kaibig-ibig Ang ulam na isda na isasawsaw sa kamatis Ay pagkaing siyang pinakananais Ng mga hari at reyna ng siyudad Na kaligayahang tunay ang hangad Ngunit sila ay napapaisip Ang kasagutan ay di malirip Na paanong mamuhay nang walang takot? Di nila maisip na simpleng buhay ang sagot Na hahaluan ng pagmamahalan Hatid ay parang langit sa kalupaan Ito ang pinagmamalaki kong kaharian Isang bahay-kub...