Ang pananampalataya ni inay (Dec 2017)
Ang pananampalataya ni Inay Noong ako ay musmos pa Namalas ko ang iyong pagluha Sa isang pagsamba Sa mura kong isip Di ko malirip Kung bakit nabasa ng luha ang iyong mga mata? Di ko naman nakita ang lungkot Sa pagmulat ng mata pagkatapos ng panalangin Mas nakita ko ang mga ngiti sa iyong mga labi Na animo'y naging kalakasan mo ang naturang pagluha Ako ay lubos na nagtaka Ano ang meron sa aking ina? Nang magbinata naman Ako ay iyong tinuruan Na magpanata sa Kaniya Ilapit ang lahat kong adhika Mula sa pag-aaral, sa mga problema Pinansiyal, maliliit na bagay Hanggang sa malaki Hanggang sa pag-aasawa sa Kaniya isangguni Ni isang hiling hindi ako nabigo Humanga sa itinuro mong paraan Sa pananalig at tamang pamumuhay Hanga ako sa iyo Inay! Nang mag-asawa ay lalo kong nakita Ang alab sa iyong puso at ang sigla Sa paglilingkod sa Ama lalong umigting Sa naging rebelde kong isip ako ay napaiiling Nanghawak kasi ako sa sariling talino At lawak ng kaalaman N...