Hango sa mga maiikling kuwento at sanaysay mula sa aklat ng - Mga Bakas ng Kamay sa Babasagin kong Baso
Just enjoy reading....kung ka-enjoy enjoy...
Ledzep Lopez’ sabi-sabi…….Take it from me...
1. Lahat ng ibinato mo pataas, babalik din sa yo pababa. Kahit gaano kataas ang lipad mo, at kahit gaano katagal ka sa ere, sa lupa pa rin ang bagsak mo...--Ledzep “The Law of Universal Gravitation”.
2. Sa Diyos lang ako magtatanong ng hindi ko alam ang kasagutan, Siya lamang nakakaalam ng lahat ng bagay, gaano man ka-misteryoso o kasikreto. Alam kong sasagutin Niya ako sa tamang panahon at sa kung anumang paraan ng pagsagot ang naisin Niya……..The Believer’s faith is my belief. --Ledzep "Chariots of the gods, No way!!!".
3. Di ko kailanman iniwasan ang problema. Sa halip kinaibigan ko ito, hanggang sa siya ay magsawa at mapikon sa akin……--Ledzep- “Face and befriend your Fears”.
4. Kaibiganin mo ang kaaway mo, awayin mo ang kaibigan mo…Lumalabas ang tunay na kulay ng isang bagay kapag ibinabad sa suka…..You’ll discover who’s who……..--Ledzep-- “Who’s who?”
5. Sa buhay mag-asawa, kailangan ninyong malagpasan ang 7 year- marriage itches, then ang 7 years of temptations and trials, at saka ang 7 years of tantrums and menopausal stages, finally ang 4 years of admission and acceptance…. . Saka mo makukuha ang reward ninyo, ang silver na hair kung meron pa at silver anniversary…….Siyempre same cycle sa Golden or 50th anniversary kung buhay ka pa……--Ledzep - “Paano ka magiging masaya sa iyong asawa?”
6. Sa biyahe mo sa FX mula sa Pasig papuntang Makati or to be precised, Sa BPI H.O. sa Ayala Avenue or kung naka-kotse ka man, need mong magbayad ng pamasahe or magpa-gas para makarating ka sa iyong pupuntahan, unless na maglakad ka. Ano ang iyong matututuhan? Na kailangan mong mamuhunan or mangapital or mapagod upang makarating ka sa gusto mong marating, unless ulit na kasing suwerte mo si Lucky. There’s no easy way to your big dreams..---.Ledzep “Ang sagot ni Led Zep sa Biyaheng FX papuntang BPI ni Kamay na Marikit”
7. Sa Pag-ibig naman, kailangan mong maging sugarol, isugal mo ang matamis mong ”oo”, ang pride, ang prinsipyo mo, bago mo makamit ang habangbuhay na tamis na dulot ng pagkapanalo, na dadaigin pa ang pagtama mo sa lotto. The winner takes it all……--Ledzep-- “Sugarol ako pero Sigurista”
8. Kung gusto mong malaman kung sino ang isang tao, itanong mo sa nanay niya. Masasagot ka niya pati ang nunal ng anak niya sa singit o saang parte ang birthmark niya sa puwet…Mother knows everything if pertains to her son or daughter..--.Ledzep-- “Mother knows best”
9. Kung ang itatanong mo sa akin ay kung paano ka makakabalik sa pinanggalingan mo, mas mabuting itanong mo ito sa sarili mo, mas alam mo ang daang tinahak mo bago ka nakarating sa akin. Ang maitutulong ko ay hawakan ang iyong kamay papunta sa lugar na di pa natin nararating. I’d rather walk with you in the road of uncertainty than walking alone in the path of buoyancy……..---Ledzep -- “Mahal, saan tayo patungo”
Comments
Post a Comment