Ang apat na magigiting na heneral
Sila ang mga kilalang American Heroes noong panahon ng Hapon na tumulong sa atin na makamit ang kalayaan. Mas naging popular pa nga sila kesa kay Gen. McArthur ngayon. Makikita natin sila sa halos lahat ng sinehan, business establishments at pati na rin sa paglilinis ng tahanan. Kung ang iba'y nagtatanong kung sila'y makapili ay 'hindi po', costumes po nila yan. Kaya inidolo sila nila Shaider, Bioman at iba pang Japanese heroes. Sila ang nakahuli kay Gen. Yamashita, kaya lang sobrang tinik nito at dulas, kaya hindi nila mahawakan kaya nakatakas. Siya ang nagsabi ng "I shall return" upang balikan ang mga treasures na tinago nya sa mga gubat ng Pinas. Sa kasamaang palad siya ay namatay sa dengue sa Japan na nakuha niya nang makagat siya ng isang bading na lamok sa Mindoro. Balik tayo sa apat na heneral, napakagaling nilang umatake na parang sa COC (lagi silang 3 stars), marami silang napabagsak na tora-tora at maraming Hapon ang sumuko sa kanila. Si