Ang apat na magigiting na heneral



Sila ang mga kilalang American Heroes noong panahon ng Hapon na tumulong sa atin na makamit ang kalayaan. Mas naging popular pa nga sila kesa kay Gen. McArthur ngayon.

Makikita natin sila sa halos lahat ng sinehan, business establishments at pati na rin sa paglilinis ng tahanan.

Kung ang iba'y nagtatanong kung sila'y makapili ay 'hindi po', costumes po nila yan.  Kaya inidolo sila nila Shaider, Bioman at iba pang Japanese heroes.

Sila ang nakahuli kay Gen. Yamashita, kaya lang sobrang tinik nito at dulas, kaya hindi nila mahawakan kaya nakatakas. Siya ang nagsabi ng "I shall return" upang balikan ang mga treasures na tinago nya sa mga gubat ng Pinas. Sa kasamaang palad siya ay namatay sa dengue sa Japan na nakuha niya nang makagat siya ng isang bading na lamok sa Mindoro.

Balik tayo sa apat na heneral, napakagaling nilang umatake na parang sa COC (lagi silang 3 stars), marami silang napabagsak na tora-tora at maraming Hapon ang sumuko sa kanila. Sila ang unang nagbagsak ng atomic bomb sa pamamagitan ng Enola Gay sa Tokyo kaya lang hindi pumutok.

Survivors sila ng Death March at marami silang tinulungang mga pilipinong hinimatay noon habang naglalakad at sinugod nila ang mga ito sa Phil. Gen Hospital na ipinatayo ni Gen. Taft at sa Chinese Gen. Hospital na itinatag naman ni Gen. Chin Chat Su.

Pagkatapos ng WWII, sila ay naghiwa-hiwalay na.  Ang isa ay nagtayo na lang ng negosyo sa Divisoria, ang dalawa sa kanila ay namasukan sa sinehan at ang isa ay nakuntento na lang sa bahay.

Mabuhay ang Four Generals:

1. Gen. Cleaning
2. Gen. Admission
3. Gen. Patronage
4. Gen. Merchandise

P.S. Kung may nakalimutan pa akong ibang heneral ay puwede nyong i-call yung attention ko or magcomment kayo dito sa ating pahina.

Ang susunod ko pong ipo-post ay aking interview sa mga Superheroes.😂

Comments

Popular posts from this blog

Ang tula ni Pilosopong Tasyo sa mga Rizalistang baliw

Mga Kuwentong Tindero ni Maestro Pedro Series#1 Doon Sa May Riles

My life is like a rainbow