Ang pananampalataya ni inay (Dec 2017)
Ang pananampalataya ni Inay
Noong ako ay musmos pa
Namalas ko ang iyong pagluha
Sa isang pagsamba
Sa mura kong isip
Di ko malirip
Kung bakit nabasa ng luha
ang iyong mga mata?
Di ko naman nakita ang lungkot
Sa pagmulat ng mata pagkatapos
ng panalangin
Mas nakita ko ang mga ngiti sa iyong mga labi
Na animo'y naging kalakasan mo ang naturang pagluha
Ako ay lubos na nagtaka
Ano ang meron sa aking ina?
Nang magbinata naman
Ako ay iyong tinuruan
Na magpanata sa Kaniya
Ilapit ang lahat kong adhika
Mula sa pag-aaral, sa mga problema
Pinansiyal, maliliit na bagay
Hanggang sa malaki
Hanggang sa pag-aasawa sa Kaniya isangguni
Ni isang hiling hindi ako nabigo
Humanga sa itinuro mong paraan
Sa pananalig at tamang pamumuhay
Hanga ako sa iyo Inay!
Nang mag-asawa ay lalo kong nakita
Ang alab sa iyong puso at ang sigla
Sa paglilingkod sa Ama lalong umigting
Sa naging rebelde kong isip ako ay napaiiling
Nanghawak kasi ako sa sariling talino
At lawak ng kaalaman
Ngunit wala akong narating
Ngunit ikaw aking Ina ay abot-kamay
Ang pinakahahangad mong tagumpay
Pinagpapasalamat ko na lamang
Malakas ako sa Kaniya dahil sa iyo
Hindi pinatulan lahat kong argumento
Isinasalin mo pa sa aking mga anak
Ang pananampalataya mong iyong tatak
Ang minsang itinuro mo sa akin
Ang masidhing pananalangin.
Habang nakikita kong unti-unting pumuputi ang iyong mga buhok
Hindi ka nagmukmok sa isang sulok
Dumanas nang di mabilang na dalita at lungkot
Ngunit tangan pa rin ang iyong saya'
Sa pagtupad ng tungkulin di mapigil
Di masukat pananampalataya mo
Sa nagliwanag kong pag-iisip
Kaalinsabay nang pagbuhos ng mga luha
Mula sa mga bintana ng aking kaluluwa
Aking Ina, ikaw ang ilaw ko, at tutularan kita!
Sa pananampalataya
ako rin ay titibay
Kapiling ang buo kong sambahayan
Magpapatuloy sa paglilingkod sa Ama
Hanggang manahin ang putong ng buhay
Doon sa Bayang Banal.
Noong ako ay musmos pa
Namalas ko ang iyong pagluha
Sa isang pagsamba
Sa mura kong isip
Di ko malirip
Kung bakit nabasa ng luha
ang iyong mga mata?
Di ko naman nakita ang lungkot
Sa pagmulat ng mata pagkatapos
ng panalangin
Mas nakita ko ang mga ngiti sa iyong mga labi
Na animo'y naging kalakasan mo ang naturang pagluha
Ako ay lubos na nagtaka
Ano ang meron sa aking ina?
Nang magbinata naman
Ako ay iyong tinuruan
Na magpanata sa Kaniya
Ilapit ang lahat kong adhika
Mula sa pag-aaral, sa mga problema
Pinansiyal, maliliit na bagay
Hanggang sa malaki
Hanggang sa pag-aasawa sa Kaniya isangguni
Ni isang hiling hindi ako nabigo
Humanga sa itinuro mong paraan
Sa pananalig at tamang pamumuhay
Hanga ako sa iyo Inay!
Nang mag-asawa ay lalo kong nakita
Ang alab sa iyong puso at ang sigla
Sa paglilingkod sa Ama lalong umigting
Sa naging rebelde kong isip ako ay napaiiling
Nanghawak kasi ako sa sariling talino
At lawak ng kaalaman
Ngunit wala akong narating
Ngunit ikaw aking Ina ay abot-kamay
Ang pinakahahangad mong tagumpay
Pinagpapasalamat ko na lamang
Malakas ako sa Kaniya dahil sa iyo
Hindi pinatulan lahat kong argumento
Isinasalin mo pa sa aking mga anak
Ang pananampalataya mong iyong tatak
Ang minsang itinuro mo sa akin
Ang masidhing pananalangin.
Habang nakikita kong unti-unting pumuputi ang iyong mga buhok
Hindi ka nagmukmok sa isang sulok
Dumanas nang di mabilang na dalita at lungkot
Ngunit tangan pa rin ang iyong saya'
Sa pagtupad ng tungkulin di mapigil
Di masukat pananampalataya mo
Sa nagliwanag kong pag-iisip
Kaalinsabay nang pagbuhos ng mga luha
Mula sa mga bintana ng aking kaluluwa
Aking Ina, ikaw ang ilaw ko, at tutularan kita!
Sa pananampalataya
ako rin ay titibay
Kapiling ang buo kong sambahayan
Magpapatuloy sa paglilingkod sa Ama
Hanggang manahin ang putong ng buhay
Doon sa Bayang Banal.
Comments
Post a Comment