Posts

Showing posts from December, 2016

Ef Bi by Papanie Susej

Image
Ang kasikatan mo sa FB ay katulad ng pagiging milyonaryo mo sa paglalaro ng monopoly. Sa likhang ito ni Mark Zuckerberg at mga kasamahan, ang buhay ng mga tao ay tuluyang nadala sa mundo ng imahinasyon at kaipokrituhan. Halika at pumunta tayong saglit sa mundo na puno ng imahinasyon. Saglit lamang at huwag kang tumira nang matagal. Dito mo lamang mararanasan na magkaroon ng kaibigan na hindi mo naman kakilala.  Kapitbahay mong kapag iyong nakasalubong ay hindi mo man lang mabati, mangitian at makamusta. Pero kaibigan mo sa mundo ng kaipokrituhan. Dito mo makikita ang nagraramihan at nagsasarapang pagkain na handa ng kapitbahay mong naputulan ng kuryente kanina. Dito mo makikita ang post ng nagmamahalan na magkakamag-anak na nagmurahan at naghabulan ng kutsilyo kahapon dahil sa inutang na pera. Dito mo makikita si manang na madalas sa simbahan o kapilya pero kung makapagmura sa anak ay huwag na lang....naku pu!@*#'!a! Dito mo makikita si kapitan na kasama ng mga puli