Siya Nawa

Natuto akong magtiis ng hirap
Naranasan kong lumuha at mahapis
Nasaktan ako sa maraming dalita’t lungkot
Wala na akong dapat ikatakot
Namanhid na ako sa sakit
Kung ano pa ang darating sa buhay
Di ako mananamlay
Sa pananalig at paglilingkod sa Iyo
Nalampasan ko ang lahat ng pighati
Ang mga hilahil, pagsubok at bagabag
Sa awa’t tulong at pagmamahal Mo.
Maraming tao ang napapahamak
Maraming sa Iyo ay di nakakakilala
Sapagkat sa mga diyus-diyosan sila’y sumasamba
Sa mga imahe at larawan
Na inanyuan ng mga tao lamang
Hindi sa ispiritu at katotohanan
Ako ay mapalad at pinili Mo mula sa karamihan
Na ang bilang ay tulad sa mga buhangin sa dagat
Inililigtas Mo ako sa lahat ng uri ng kasamaan
Ikaw oh Ama, ang nakilala kong iisang Diyos na tunay
Espiritu sa kalagayan
Ang Pinakamarunong at Pinaka-makapangyarihan
Simula ng aking kabataan, naranasan ko na ang Iyong patnubay
At ang mga himala Mo na nangyari sa aking buhay.
Ikaw ang May-ari ng aking buhay at lakas
Ikaw ang May-ari ng buong kalawakan
Ikaw ang Panahon at Espasyo
Ikaw ang sumasalahat, sa lahat ng mga bagay sa kalangitan
At sa langit ng mga langit
At sa kalawakan ng mga kawalakan
Dinggin Mo akong lagi
Sa lahat kong pighati
Huwag Kang lalayo
Yakapin Mo akong mahigpit
Gamutin ang aking sugat at sakit
Upang mamuhay nang matuwid at makabuluhan
At naaayon sa Iyong banal na kalooban
At sa aking buhay mangyari ang Iyong nais
At sa banal Mong tahanan
Ako ay tatahan, magpakailanman.


Siya nawa.


Comments

Popular posts from this blog

Ang tula ni Pilosopong Tasyo sa mga Rizalistang baliw

Mga Kuwentong Tindero ni Maestro Pedro Series#1 Doon Sa May Riles

My life is like a rainbow