Hindi ito tula 2.20.2017
Hindi ito tula ito ay damdamin na umaamot ng espasyo sa aking kuwaderno at malupit kong sulatan. Hindi ito tula ito ay tintang humalik sa pisngi ng papel na iyong nilamukos sa aking harapan. Hindi ito tula ito ay latak ng isip mula sa patuloy na umaapaw kong utak at humuhulagpos na kalooban. Hindi ito tula ito ay likidong umaagos mula sa bintana ng aking kaluluwang tinutuyo na lamang ng simoy ng hangin. Hindi ito tula ito ay pagibig na umiindayog sa puso ko na nilulumot na dahil sa manhid mong damdamin. Hindi ito tula ito ay pangarap na namatay sa kulungan ng kalungkutang nilimot ng makasariling mundo natin.