Chapter 12: Ang pag-iibigan nina Blu at Eliz
Chapter 12 Ang Pag-iibigan nina Blu at Eliz Ang Eris o Buwan ay isang malaking satelayt na bilog na nababalutan ng lupa sa magkabilang bahagi nito, ang gitnang parte o sa loob nito ay isang malaking istraktura na laboratoryo at planetarium. Dito humimpil sina Blu at Agarpa, kasama ang mga piling tauhan upang manmanan ang progreso hindi lamang ng Daigdig pati na rin ang unang bahagi ng sistemang araw mula sa Talang Araw hanggang Marte at ang ikalawang bahagi naman na mula Hupiter hanggang Neptuno ay sa I’yo na satelayt ang pinakalaboratoryo at planetarium na ipinagkatiwala ng Supremo ang gawaing pagmamasid kay Reki ng Sartana. Ang paghimpil nila ay upang mamonitor na rin ang magiging pagtakas o galaw nila Senki at mga tauhan nito, ang paggawa ng mga ito ng mga portals at ang napipintong digmaang-nukleyar sa Daigdig. Makailang beses na rin silang nakaranas na may mga ibang nilalang na taga-ibang planeta at sistema ang kanilang namomonitor na papalapit sa Daigdig ngunit agad di