Love @ many sights Chapters 1 & 2
Love @ many sights by R.H. Garbo Chapters 1. Mga Ms. Kirina L. Andipa 2. Name Game 3. May “Brit-Vis” accent 4. Height is might 5. Walang "breeding" 6. Ms. Cum Laude 7. Pantasya ng bayan 8. Drama queen 9. Joke only 10. Ang pogi ng "Ex" 11. Ang "yayaman" nyo 12. Ideal Woman sa manhid na puso PROLOGUE Ako si Vicente P. Inocencio, Vince for short, 36 years old na at tubong Makati. Wala pang asawa, at hindi ko alam kung magkakaroon pa. Pasintabi sa mga kakilala kong mga bading o silahis, pero hindi ako kabilang sa kanila, sadya lamang na may mga pagkakataong natakot akong magmahal at hindi pinahintulutan ng tinatawag nating dakilang tadhana. Kung magiging matandang binata ako ay okay lang, maipagmamalaki ko naman na naranasan kong umibig nang bulgar at nang lihim hindi lang minsan kundi nang maraming beses, kung ito nga ay matatawag na pag-ibig. Natutunan ko ang kasabihang "Love at first sight", pamilyar din ako sa mga kantang &quo