Salmo ng Pananalig


Salmo ng Pananalig
7.05.17

Malunod man ako sa lawa ng mga suliranin
Ang Makapangyarihang Diyos ang hahango sa akin
Ang Kaniyang Kamay na humati sa dagat
Ang Siya ring sa kaligtasan ko ay maglalapat
Masunog man ako ng nag-aapoy na bagabag
Ang Diyos ang sa akin ay patuloy na mahahabag
Siya ang nagpuwesto sa araw, buwan at mga bituin
Siya rin ang magbibigay ningas, alab at liwanag sa akin
Sa nagdidilim kong paligid
Ang Kamay niya ang maghahatid
Sa dakong ligtas, aking moog at akin ring kanlungan
Hindi niya ipagkakait ang Kaniyang templo kailanman
Patuloy akong mananalig sa Diyos kong tunay
Na Siyang may-ari ng lakas ko at buhay.


Comments

Popular posts from this blog

Ang tula ni Pilosopong Tasyo sa mga Rizalistang baliw

Mga Kuwentong Tindero ni Maestro Pedro Series#1 Doon Sa May Riles

My life is like a rainbow