Nakalenteng Bulag



Nakasalamin ka pero di mo pa rin makita
Ang paghihirap ng sambahayanan, ng masa
Ang kapal ng salamin mo, singkapal ng mukha mo
Sobra sobra na ang iyong pang aabuso.

Ikaw ay sakit ng bayan
Nilulustay mo pera ng mamamayan
Buwis ng ordinaryong tao ang gamit mo
Sa iyong luho, kami ang nagsasakripisyo.

Ang dami mong tarpaulin, ikaw raw ay makatao
Sinong niloloko mo at iniinsulto?
Lumalabas ka lang tuwing ikatlong taon
Pag malapit nang mangampanya at eleksiyon.

Saan ka nakatulong? Hangad ng bayan ay kaunlaran
Sa pangako mo'y ang mga tao'y nakipagsapalaran
Gagawa nang kaunti, maramihang kurakot
Wala ka ng hiya, wala ka ng takot.

Tongpats, sub-standards na building
Sa pagkuha ng suppliers, moro-morong bidding
Ghost employees, patung-patong na anomalya
Pag ika'y nabuking, ang katuwiran mo'y ika'y pinupulitika.

Kailan ka magbabago? Pag ika'y namatay
Yaman mo ay di madadala sa yong hukay
Nakalenteng bulag ang yong titulo
Kanser ng lipunan, corrupt na politiko.

Comments

Popular posts from this blog

Ang tula ni Pilosopong Tasyo sa mga Rizalistang baliw

Mga Kuwentong Tindero ni Maestro Pedro Series#1 Doon Sa May Riles

You're not a God