Pusong panatag



Tumalikod man ang lahat ng mga tao sa pagkilala sa Iyo
At mahulog ang mga bituin mula sa kalangitan
Sabay sa sunod-sunod na lindol at mapaminsalamg mga bagyo
Ang pagpuri't pagkilala sa Iyo ay di ko tatalikuran.

Ikaw ang aking moog, kalasag at dakilang kanlungan
Nagbibigay sa kaluluwa ko ng pusong panatag
Patnubay ko mula sa silanganan hanggang sa kanluran
Maging sa timog at hilaga, sa gitna ng dalita, hirap at bagabag.

Malunod man ako sa suliranin at hampasin ng sigwa ng alon ng kagipitan
Magkasunod-sunod man ang dagok na matanggap ko sa buhay
Hahanapin ko pa rin ang yakap Mo, Ama kong makapangyarihan
Yayakap nang mahigpit at magpakailanman ay di na hihiwalay.

Magbago man ng ugali, puso't isip ang mga tao sa daigdig
At maging katanggap-tanggap ang immoralidad at kasamaan
Ako sa Iyo ay patuloy na kikillala at iibig, Oh Diyos ng pag-ibig
Ang pagpuri't pagkilala sa Iyo ay di ko tatalikuran.

Siya nawa.




Comments

Popular posts from this blog

Ang tula ni Pilosopong Tasyo sa mga Rizalistang baliw

Mga Kuwentong Tindero ni Maestro Pedro Series#1 Doon Sa May Riles

You're not a God