Nagbunyi si Sisa nang mapagtanto Mayroon pang isang Pilosopong Tasyo Ngunit ang makabagong mundo ay nasiphayo Sa lumutang na mga Rizalistang nagbabalatkayo. Ang Bagumbayan ay naluma at nagiba Sa kanilang drama, gimik at adhika Humuhupa ang iyakan sa melodramang palabas Habang kay Padre Damaso ay humihingi ng basbas. Ang buwan ay nalulunod sa lalim ng gabi Ang mga tala ay isa-isang nagsisitabi Umaapaw ang dugo, mula sa kalis ay nakakalos Habang ang magagaspang na kamay kay Sisa ay humahaplos. Humalakhak, nagdiriwang imbes na tumulong Ang mga tanikala sa kamay niya ang nagkukulong Minamalas lang ng mga Rizalistang baliw Habang ang mga demonyong hari ay naaaliw. Ilan pang semilya, ilan pang halik, kagat at laway? Mula sa Leon, Agila, Hapon at mga kaibigang kaaway Ang dadantay sa kanyang katawan, sa kanyang kaluluwa Natutuyo na kahit pa tayo mga isla, ang ating perlas sa aplaya. Sagana man tayo sa tubig ngunit hindi sa pag-ibig Sinisimot ang kalikasan, nasasaid, s
Comments
Post a Comment