Mga Kuwentong Tindero ni Maestro Pedro presents Series#2 Si Aling Kring Kring, si Mayor at ang aking kahilingan
Naluluha ako kapag naalala ko yung nangyari kay Binoy kahit dalawang buwan na ang nakalilipas. Tandang tanda ko pa na pagkatapos magbayad ni Binoy sa akin ay bumalik agad na nag-aalangan na nagsalita. "Kuya baka meron kang ekstrang dalawandaan diyan, panimula ko lang at pambaon ng mga anak ko habang di pa ako sumasahod", nahihiyang sabi ni Binoy. Kapag ganito ang usapan at dahilan ay hindi ako mahirap kausap. "Salamat kuya, makakabawi rin ako sa yo", tuwang-tuwang pangako ni Binoy. Naluluha ako hindi dahil sa inutang niya (pero parte na rin yun, bawat piso kasi sa pagtitinda ay mahalaga pero abuloy ko na yon sa kanya) kundi dahil sa magandang pangarap na ninakaw ng pangit na sistema ng lipunan. Ang dalawang anak niya ay kinuha na ng kaliwete niyang asawa dahil nakikita ko minsan kapag bumabiyahe sila ng kinakasama niyang traysikel driver. Ang mga pangarap ng dalawang bata ay parang alipatong lumipad na lang sa papawirin na biglang naglaho. Lalong hindi m...