Sangganong Duwag


Sampung bote ng Red Horse ang tumumba
Maangas na ang iyong kara
Naghahanap ka na ng mababanatan
Lahat ng tao ay iyo nang kinakalaban
Naghahamon ng away
Sa mga kapitbahay
Sumobra na naman ang tapang ngayong gabi
Lahat nang kinikimkim ngayon nasasabi
Nanghiram ng tapang sa serbesa at gin
Bukas paggising mo duwag ka pa rin.

Ginebra naman ang tinira
Bilog at kuwadrado ang itsura
Gumagaling sa Siyensya at Algebra,
Arkitertura, Ingles, at Agrikultura
Tumatalino pag lasing
Alam lahat, sobrang galing
Pag pinuna napipikon
Nagmumura, nagiging maton
Lahat hahamunin, lalabanan
Paggising sa umaga, duwag ka na naman.

Pag di lasing di makatingin nang diretso
Sobrang bait, parang anghel ang gago
Pagsapit ng dilim ayan na naman
Nagiging demonyo, parang nasasapian
Alak pa more, di maiwasan ang bisyo
Magwawala na naman, wala nang sumeseryoso
Napapraning, bumubuhol ang utak
Nanghihiram ng tapang sa alak
Sangganong duwag ang iyong titulo
Di ka makalaban ng harapan sa mundo.

Comments

Popular posts from this blog

Ang tula ni Pilosopong Tasyo sa mga Rizalistang baliw

Mga Kuwentong Tindero ni Maestro Pedro Series#1 Doon Sa May Riles

You're not a God