Kuwadradong Parisukat (2007)


Di malaman kung susuntok
O iilag sa pakikipaghamok
Duguan ang kilay
Patay kung patay.

Nagbubunyi ang tao
Para ba kanino?
Patigasan ng mukha't ulo
Para lang manalo.

Isang arena ang mundo
Nakikipaglaban ang mga tao
Ang hirap, gutom at hapis
Matitinding suntok ang kaparis.

Comments

Popular posts from this blog

Ang tula ni Pilosopong Tasyo sa mga Rizalistang baliw

Mga Kuwentong Tindero ni Maestro Pedro Series#1 Doon Sa May Riles

My life is like a rainbow