Manhid Na Nasasaktan
Ang sabi mo ako ay manhid
Pero bakit ako nasasaktan?
Nang sabihin mong di ko batid
Ang tunay mong nararamdaman.
Baka mahal ikaw ang manhid
Dahil ako ang nasasaktan
Sa isip mong makitid
Na walang pakialam.
Ang sabi mo nga ako ay manhid
Ngunit ako ang nasasaktan
Di mo lang alam, di mo lang batid
Ang puso ko ang sugatan.
Lumamig na ang tinimpla kong kape
Uminit na ang aking damdamin
Ngunit wala ka pa ring pake
Sa lungkot kong kinikimkim.
Sino ngayon ang manhid, ako o ikaw?
Basta ang alam ko, ako ay nasasaktan
Sa di mo pagpansin sa akin araw-araw
Unti-unting pagkaupos ko't kamatayan.
Comments
Post a Comment