Pusong pinupulikat



Kailan mo ako mapapansin?
Narito na ko kaninang umaga
Hanggang ngayong padilim
Sa iyo ay sumasamo't umaasa
Na tatapunan mo man lang ng isang tingin
Ang La Coste kong bagong plantsa.

Di mo man lang ba susulyapan?
Ang bagong gupit mong mangingibig
Wag mong suklian ng inis, wag mo akong irapan
Puso ko'y pinupulikat, humihibik
Damdamin ko ay nahihirapan
Sa di mo pagpansin sa wagas kong pag-ibig.

Di ka man lang ba lilingon sa akin?
Habang ako'y bigong umaalis mula sa iyo
Nang ako'y iyong tapatin at kausapin
Na mabuting maging 'friends' na lang tayo
Wait lang pala at aking babawiin
Ang lahat ng binigay ko sa yong mga regalo.

Ano ako hilo at ikaw ay sinusuwerte?
Isoli mo ang mga alahas at pabango
Isuka mo ang mga bigay kong tsokolate
Ang mga nalantang rosas na bigay ko'y buhayin mo
I-refund mo ko sa araw-araw nating pagkakape
Ala eh 'friend' pinaasa mo lang pala ako.

Paunawa: Ito'y guni-guni lamang ng mataba kong utak, pagpasensiyahan nyo na lamang✌.

Comments

Popular posts from this blog

Ang tula ni Pilosopong Tasyo sa mga Rizalistang baliw

Mga Kuwentong Tindero ni Maestro Pedro Series#1 Doon Sa May Riles

My life is like a rainbow