Mapaghatid Dumapit
Ang aga pa lang nasa kalsada na at nasa umpukan
Naghuhuntahan, naghihingutuhan at nagbubulungan
Bawat dumaan na tao sa harapan nila, sila ay may kuwento
Sinusuri ang kaluluwa, hinuhubaran ang pagkatao.
Walang respeto sa kapwa, almusal nila ay tsismis,
May kabit si totoy, si nene ay nabuntis
Si ganire ay mayabang, naghihirap na si ganito
Libang na libang sila sa buhay ng ibang tao.
Masyadong mapanghusga animo sila ang diyos
Kung manira, kung manlait ay lubos- lubos
Parang pagkatao nila ay sobrang linis
Kanser sila ng lipunan, bulok at nakakainis!
Kung nakamamatay at lason lang ang tsismis
Ang lugar namin ay tahimik at malinis
Dahil napatay na nilang lahat at nahusgahan
Ang mga taong kanilang napagtsismisan.
Kung iisipin sila ang mga walang patutunguhan
Mga walang magawa, walang pinag-aralan
Ang matitinong tao ay abala sa maayos na pamumuhay
Habang sila ay mantsa at dumi ng lipunan.

Comments
Post a Comment